mfanimated 2

Article Index

 

 MRS. IMELDA DALUMPINES
Salongpong, Bayasong
Pilar, Sorsogon

 

March 5, 2002

Para po sa namumuno ng Mother Francisca Commission:

Ako po ay si Mrs. Imelda Dalumpines taga Palongpong Bayasong Pilar, Sorsogon. Sumulat po ako sa inyo dahil po nagpapasalamat po ako sa inyo. Nang mag-umpisa po ako na magdasal kay Madre Francisca del Espiritu Santo ay pinagbigyan kami sa aming panalangin at parang gumaan ang hanapbuhay namin.

Alam po ninyo ang aking mga anak ay 9 at noon po na hindi pa ako nakatanggap ng panalangin ni Madre Francisca del Espiritu Santo kami po parang ang hirap makakuha ng pagkain sa araw araw; isa pa po ngayon parang ang dali kami makahaon sa paghahanap ng pang araw-araw na pagkain. Ang asawa ko po ay conductor lang sa jeep pero hindi permanente. Ako ay isa rin na guro sa Day Care - DSWD at mababa lang ang sahod.

Alam po ninyo ang dahilan o saan namin nakuha ang panalanging ito?. Ang aming Mayor noon ay nagkampanya. Siya ay nagbigay ng wallet at sa loob nilagyan ng panalangin ni Madre Francisca de Espiritu Santo. Kaya ako ay nakakuha ng panalangin. Kaya po sumulat ako sa inyo para malaman po ninyo na isa po rin kami sa nakakuha ng panalangin. Gusto ko pong malaman kung bakit isusulat ang mga biyayang natanggap namin. Pasensiya na po kayo sa sulat ko. Gusto ko at kung puwede po bigyan mo kami ng malaking larawan ni Madre Francisca del Espiritu Santo at ang panalangin para sa kanya, gusto ko rin na magbigay dito sa aming lugar. Salamat po sa pagtangkilik ng aming sulat.

Hintayin ko ang inyong sulat. Di ba po may Tel. No. kayo na nakasulat sa panalangin? Puwedeng tumawag na lang? Pakisagot.

Taos pusong nagpapasalamat,

MRS. IMELDA DALUMPINES

content